Isang makasaysayang pagbabago tungo sa kapayapaan ang naganap sa tatlong-araw na Nationwide Peace Advocate Summit 2024 kamakailan.
Ito ay dahil nagsama-sama na ang mga dating rebelde na sumuko na sa pamahalaan at nagkaisa upang tuligsain at manawagan na wakasan na ang armadong rebelyon laban sa pamahalaan.
Inilahad ang kanilang panunuligsa sa isang deklarasyon sa pamamagitan ng manipesto na nilagdaan ng halos 70 dating mga rebelde na pinamagatang “A Call for Unity, Progress, and Collective Healing,” na kanilang inihayag sa pulong balitaan na ginanap din sa La Breza Hotel sa Quezon City matapos ang Nationwide Peace Advocate Summit 2024.
“We, former members of the Communist Party of the Philippines, are united and peacefully condemn the violence inflicted by the CPP-NPA-NDF and other forms of violence experienced by the Filipino people,” ang kanilang tinuran sa manifesto.
“Our decision to condemn armed struggle does not mean abandoning our principles. We do not turn our backs on the fight for social justice – instead, we embrace a new approach to struggle, one that aligns with the rule of law and collaboration among all sectors of society.”
Sinabi naman ni Undersecretary Ernesto Torres Jr, NTF-ELCAC Executive Director, na ang manifesto ay tandan ng pagbabago ng kaisipan ng mga dating rebelde na akapin na ang kapayapaan at hikayatin ang mga natitira pa nilang dating mga kasamahan.
“It is a powerful declaration from those who have walked the path of conflict, now committed to forging a new way forward for themselves and for future generations,” ang sabi ni Torres.
Ang nasabing deklarasyon ay mismong iniakda ng mga dating rebelde, upang ilahad ang kanilang pagnanais na makamtan ang kapayapaan para na rin sa mga susunod pang henerasyon. Ito raw ay kanilang idaraan sa mga people’s organizations, upang magkaroon ng ‘sustainable development.’
Sa closing remarks ni National Security Adviser Eduardo Año, pinagdiinan nito ang pangako at paghahangad ng pamahalaan na magkaroon ng tunay na kapayapaan ang bansa.
Binigyang-diin niya ang pagsisikap ng NTF-ELCAC na gumitna upang mapag-usapn ang pagbibigay daan sa kapayapaan at maresolba ang kahirapan na siyang idinadahilan sa pagrerebelde ng ilan sa ating mga kababayan.
“I am confident that we can build a brighter future for our nation, one where peace and prosperity prevail,” pahayag ni Sec. Año.
“To be sure, this is an event that I thought at first was difficult or impossible to pull off, but we were able to do it because of our hard work and joint efforts,” ani Año.
Pinangako naman ng NTF-ELCAC na patuloy nitong isusulong ang kapayapaan at pagbibigay serbisyo ng pamahalaan sa mga lugar na dating pinipeste ng rebelyon.
Nangako rin itong pag-iibayuhin ang pagtulong sa mga dating rebelde na sumusuko upang maibalik sila sa tamang lipunang gagalawan.
Nanawagan din silang lahat na huwag iboto ang mga politikong ayaw tuligsain ang armadong pakikibaka. RNT