MANILA, Philippines- Nalambat sa magkahiwalay na operasyon ng mga miyembro ng Taguig at Parañaque City police ang top 1 at top 9 most wanted person (MWP) Biyernes ng hapon, Setyembre 27.
Unang inaresto ng mga miyembro ng Warrant and Subpoena Unit (WSU) ang Top 1 MWP ng Station Level sa ikatlong quarter ng 2024 na si alyas Daniel, 41, sa Pembo, Taguig City dakong alas-2:35 ng hapon.
Nahaharap si alyas Daniel sa mga kasong paglabag sa Section 5 at Section 11 ng RA 9165 at Section 28 (A) ng RA 10591 (illegal possession of firearm and ammunition).
Naisakatuparan ang pag-areto kay alyas Daniel sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Makati City Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Gina M. Bibat-Palamos ng Branch 64 kaugnay sa kasong kriminal na may case number R-MKT-22-03855-CR na walang kaakibat na rekomendasyon na piyansa.
Samantala, nadakip naman si alyas Donnel, 25, ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) dakong alad-4:10 ng madaling araw sa Belmont Homes, Naic, Cavite, sa bisa rin ng arrest warrant na inisyu naman ni Parañaque City Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Regina Paz A. Ramos-Chavez ng Branch 274 dahil sa kasong carnapping na nakapailalim sa Section 3 ng RA 10883 na may Criminal Case No. 2024-0698 kung saan napagkalooban ito ng pagkakataong makapagpiyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan sa halagang ₱300,000.
Ang mga nadakip na MWP na mga suspek ay kasalukuyang nakapiit sa custodial facility ng sa mga istasyon ng pulis ng Taguig at Parañaque habang hinihintay ang commitment order ng korte para sa paglipat ng kanilang pagkukulungan sa city jail ng dalawang nabanggit na lungsod. James I. Catapusan