Home ENTERTAINMENT Candy, nagpaturo ng sexual positions kay Salome!

Candy, nagpaturo ng sexual positions kay Salome!

Manila, Philippines- Aminado ang Vivamax sexy star na si Candy Veloso na wala pa siya sa Maynila ay pinapanood na niya sa Pornhub si Salome Salvi.

Si Salome ay isang Pornhub star na nag-crossover na sa digital streaming at napapanood na rin sa ilang pelikula ng Vivamax.

Magkasama na ngayon sa pelikulang Tahong sina Candy at Salome. Bukod dito at meron pa sikang nainit na love scenes.

“Feeling ko malaking bagay sa akin at natuwa ako nang nalaman ko na si Ms. Salome ang kapartner ko sa movie.

“Marami akoong natutunan kay Salome lalo na sa mga positions na papalit palit,” sabi ni Candy.

Tinanong namin si Candy kung ano yung mga positions na yun pero hindi na niya ito pinaliwanag.

Binanggit din ni Candy na na-challenge siya sa kanyang role sa Tahong.

“Mako-consider ko na dream role ko ang role ko sa Tahong na matagal ko nang hinihingi sa Vivamax,” sabi pa ni Candy.

Ang role ni Candy ay isang magtatahong na pinagsamantalahan ng isang barangay official.

Sinabi rin ni Candy na mas bet niya kapartner sa love scene ang babae kesa sa lalake.

“Sa lalake kasi, mahirap makipag-lovescene kasi may restriction talaga.

“Pero sa babae, willing ako magpahalik ng utong pero pag lalake may malisya talaga,” sabi pa niya.

Thankful naman si Candy at hindi siya pinababayaan ng Vivamax.

“Thankful ako kasi napunta ako sa isang kumpanya na protektado ako kahit naghuhubad. May mga SOP talaga liku kung magbibihis ka, tatakpan ka nila para hindi ka masilipan.

“Sana, one day, e, mabigyan din ako ng worth it na role, yung hindi lang kalandian,” wish pa ni Candy.

Kasama rin ni Candy sa Tahong si John Mark Marcia at ang dating matinee idol na si Emil Sandoval, directed by Cristopher Novabos.

Streaming na ang Tahong sa Oct. 4 sa Vivamax. JP Ignacio