Home NATIONWIDE Arraignment ni Alice Guo para sa graft case muling ipinagpaliban

Arraignment ni Alice Guo para sa graft case muling ipinagpaliban

MANILA, Philippines- Muling ipinagpaliban ang arraignment ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo para sa kaso niyang graft sa Valenzuela City court nitong Lunes, base sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

“Hearing of Alice Guo in Valenzuela today is canceled and reset to October 28 afternoon,” pahayag ni BJMP spokesperson Jail Superintendent Jayrex Bustinera.

Nang tanungin hinggil sa rason ng pagpapaliban, sinabi ni Bustinera na tanging abiso lamang sa schedule ang ipinaabot sa BJMP.

Noong Setyembre 20, hindi natuloy ang arraignment ni Guo sa gitna ng nakabinbing motion to quash the information na inihain laban sa kanya.

Nauna nang nagpiyansa si Guo ng P540,000 sa Valenzuela City Regional Trial Court Branch 282 para sa mga kasong paglabag sa Section 3(e) at 3(h) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Nag-ugat ang kanyang graft charges sa reklamong inihain ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa umano’y pagkakasangkot sa sinalakay na Philippine Offshore Gaming Operator sa Bamban.

Nahaharap si Guo sa mga kasong graft, qualified human trafficking, money laundering, at tax evasion. Kasalukuyan siyang nakaditine sa Pasig City Jail. RNT/SA