Ito ang mensahe ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Pastor Apollo Quiboloy sa kanyang mga tagasunod nitong Biyernes ng umaga habang hinihintay niya ang kanyang arraignment sa Pasig City court.
Dumating si Quiboloy at apat na co-accused ng alas-7:40 ng umaga matapos lisanin ang Camp Crame ng alas-7:18 ng umaga.
Nahaharap ang KOJC founder at iba pa sa trafficking in persons cases, isang non-bailable offense.
Bukod sa arraignment sa Pasig court, nakatakdang dumalo sina Quiboloy sa virtual arraignment sa Quezon City Regional Trial Court Branch 106 ngayong Biyernes ng hapon. RNT/SA