Home NATIONWIDE Bagong botante para sa 2025 elections 6M na

Bagong botante para sa 2025 elections 6M na

117
0

MANILA, Phili[ppines- Mahigit 6 milyong bagong botante ang nagparehistro para sa 2025 national at local elections (NLE), iniulat ng Commission on Elections (Comelec).

Ang datos na ibinahagi sa mga mamamahayag ay nagpakita noong Setyembre 11 ng kabuuang bilang ng mga bagong rehistro na 6,131,834, kung saan 3,153,433 ay babae at 2,978,401 ay lalaki.

May pinakamalaking nagparehistro sa CALABARZON sa bilang na 1,020,212. Sinundan ito ng National Capital Region sa 794,855; Central Luzon sa 691,627; Davao Region sa 349,031; at Central Visayas sa 326,533.

Ang mga nagparehistro naman sa Comelec main office ay 9,201 bagong botante.

Ang panahon ng pagpaparehistro ng botante para sa midterm polls ng Mayo 2025 ay nagsimula noong Pebrero 12 at magtatapos sa Setyembre 30, 2024.

Maaaring magparehistro ang mga aplikante mula Lunes hanggang Sabado, alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon saan mang tanggapan ng Comelec sa buong bansa.

Nauna nang sinabi ni Comelec Chairperson George Erwin Garcia na walang extension sa September 30 voter registration deadline.

Samantala, nanatili sa 5,376,630 ang bilang ng mga na-delist na botante, habang may kabuuang 714,152 na botante ang natanggal sa opisyal na listahan ng mga botante.

Ang Comelec ay nag-deactivate ng mga botante dahil sa hindi pagboto sa dalawang magkasunod na naunang regular na halalan, sa pamamagitan ng utos ng korte, pagkawala ng pagkamamamayang Pilipino, at sa pagkakaroon ng mga hindi wastong dokumento.

Ang mga namatay o nagkaroon ng maramihan at dobleng rehistrasyon ay tinanggal sa listahan ng mga rehistradong botante.

Sinabi ng Comelec na umabot na ang mga rehistradong botante sa 65.9 milyon, na mababa pa sa 70 milyong botante na inaasahan ng Comelec. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here