Home NATIONWIDE Arraignment ni Teves, ipinagpaliban

Arraignment ni Teves, ipinagpaliban

MANILA, Philippines – Muling ipinagpaliban ang nakatakda sanang arraignment ngayong Lunes, Hunyo 30, ni dating Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves Jr sa Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 12.

Sa viber message ng kanyang legal counsel na si Atty. Ferdinand Topacio, naghain sila ng mosyon noong Biyernes dahil sa pananatili sa ospital ng kanyang kliyente na nakararanas pa rin ng ‘pain’ matapos sumailalim sa appendectomy o operasyon sa appendix kamakailan.

Ang pagbasa ng sakdal laban kay Teves ay may kaugnayan sa kasong murder.

Ipinagpaliban ni Judge Renato Enciso sa Hulyo 14, ganap na alas-8:30 ng umaga ang arraignment at pre-trial kay Teves.

Bago naospital si Teves, nauna nang humarap sa Branch 12 ang dating kongresista dahil sa hiwalay na kasong illegal possession of explosives and firearms. Jocelyn Tabangcura-Domenden