Home NATIONWIDE Mga kaanak ng missing sabungeros nanawagan, diving ops sa Taal Lake simulan...

Mga kaanak ng missing sabungeros nanawagan, diving ops sa Taal Lake simulan na

227
0

MANILA, Philippines – Nanawagan ang mga kaanak ng nawawalang mga sabungero sa pamahalaan na simulan na ang diving operations sa Taal Lake, kung saan umano itinapon ang bangkay ng mga biktima.

Ayon kay Aurelio Panaligan, tiyuhin ng dalawa sa pinakabatang mga nawawalang sabungero, dapat ay simulan na ng technical divers ang paglusong sa lawa upang makuha ang bangkay ng mga biktima kung talaga nga bang sila ay inilibing sa Taal Lake.

“Sana po ay bigyan nyo na ng aksyon na masisid na po talaga ang aming mga mahal sa buhay kung talagang doon sila andoon,” ani Panaligan, sa panayam ng ABSCBN News.

Kabilang sa mga biktima ay ang mag-pinsan na sina Myson Ramos, 14, at John Paul Ramos, 17.

Nawala ang mga ito sa cockfighting arena sa Sta. Cruz, Laguna noong Disyembre 2021.

Umapela rin ang mga kaanak ng mga biktima sa Department of Justice na protektahan ang lugar sa Taal Lake kung saan umano itinapon ang mga biktima.

Nanawagan din ang mga ito sa posible pang saksi na magbigay ng impormasyon sa pagkawala ng mga sabungero, maging sa babaeng artista na iniuugnay sa pagkawala ng mga biktima.

“Sana po kayo na ang PNP Chief na tututok at magsasara ng usaping ito at magtutuldok sa kanila,” paghimok din kay Police Gen. Nicolas Torre III na tugunan ang kaso. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here