MANILA, Philippines – Arestado ang tatlong suspek na umano’y nagnakaw ng copper tubes ng air conditioning units sa loob ng isang church compound sa Barangay Bungad, Quezon City.
Nitong weekend, tatlong lalaki ang naaktuhan sa CCTV footage na nagbababa ng copper tubes mula sa isang tricycle.
Ang complainant na isang manggagawa ng simbahan ay agad na tumawag sa 911 police hotline matapos makita ang tatlong lalaki sa live CCTV footage sa pamamagitan ng kanyang cellphone bandang alas-2 ng madaling araw.
Agad na naaresto ang mga suspek sa manhunt operation.
Sa kabila nito, hindi na narekober ng pulisya ang mga ninakaw na copper tubes.
Ayon sa mga awtoridad, ang tatlong suspek ay may dati nang kaso ng robbery, gun law violation, at illegal drugs.
Itinanggi naman ng mga suspek ang alegasyon.
Nahaharap ang mga ito sa reklamong robbery. RNT/JGC