Home NATIONWIDE Arrest warrant ni Atong Ang, ilalabas na – Remulla

Arrest warrant ni Atong Ang, ilalabas na – Remulla

294
0

MANILA, Philippines – Ayon kay Interior Secretary Jonvic Remulla, ilalalabas na “anytime now” ang warrant of arrest laban kay businessman Charlie “Atong” Ang.

Natuklasan ng Department of Justice (DOJ) sa simula ng buwang ito ang prima facie evidence o sapat na ebidensiya para maharap si Ang sa korte sa 10 kaso ng kidnapping na may kasamang homicide at 16 kaso ng kidnapping na may malubhang illegal detention.

Tinukoy si Ang ng whistleblower na si Julie “Dondon” Patidongan, kilala rin bilang “Totoy,” bilang mastermind sa pagkawala ng maraming sabungero o taong mahilig sa sabong.

Noong Huwebes, sinabi ng abogado ni Ang na si Gabriel Villareal sa kanilang motion for reconsideration na ang mga natuklasan ng DOJ ay “inconsistent” o hindi tugma sa ebidensiyang ipinakita sa panel. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here