Home HOME BANNER STORY Arrest warrant vs Apollo Quiboloy isinilbi sa Davao City

Arrest warrant vs Apollo Quiboloy isinilbi sa Davao City

MANILA, Philippines- Nagtungo ang Philippine National Police’s Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) nitong Lunes sa isang property ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) upang isilbi ang arrest warrant laban sa pinuno ng grupo na si Apollo Quiboloy sa Davao City.

Ayon sa ulat, isinilbi ng mga awtoridad ang arrest warrant sa loob ng KOJC Dome sa Buhangin District lampas alas-5 ng umaga.

Pinayagan ng legal counsel ni Quiboloy at ng mga awtoridad na papasukin ang apat na team na binubuo ng anim na tauhan upang suriin ang lugar.

Iniulat ng mga awtoridad na naging mahirap ang pagsisilbi ng warrant dahil sa pagdagsa ng mga taga-suporta ni Quiboloy na naghihintay sa labas ng compound.

Nahaharap si Quiboloy sa mga kaso sa ilalim ng Section 5(b) ng Republic Act 7610 o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act at sa ilalim ng Section 10(a) ng parehong act.

Inisyal na inihain ang mga kaso sa Davao, subalit pinayagan ito ng Supreme Court na mailipat sa isang korte sa Quezon City upang maiwasan ang “miscarriage” ng hustisya.

Nahaharap din si Quiboloy sa non-bailable Qualified Human Trafficking charge sa ilalim ng Section 4(a) ng Republic Act No. 9208, na inamyendahan sa Pasig court. Itinanggi niya ang mga akusasyon laban sa kanya. RNT/SA