Home NATIONWIDE Arroyo humiling ng panalangin para sa asawa, anak

Arroyo humiling ng panalangin para sa asawa, anak

MANILA, Philippines – Humihingi ng panalangin si dating Pangulo at Pampanga 2nd District Rep. Gloria Macapagal Arroyo para sa kanyang asawang si Mike Arroyo, at anak na si Mikey na humaharap ngayon sa mga problemang kalusugan.

Ayon kay Arroyo, sasailalim sa major surgery ang kanyang asawang si Mike sa Abril 7 dahil sa heart condition.

“First, my husband Mike’s dissecting aortic aneurism that required an emergency repair in 2007 is expanding again, and he will have to undergo a big surgery, combining a bypass and an aortoplasty, on April 7 to avert another emergency,” aniya.

Sumailalim naman sa surgery para sa stage one thyroid gland cancer ang anak na si Mikey noong Marso 18.

“Then, our son Mikey’s biopsy-revealed Stage One cancer of the thyroid gland, and he underwent surgery last March 18, thankfully, a successful one,”

Ibinahagi rin ni Arroyo na pumanaw ang nephew-in-law nito na si Paowee Tantoco.

Ayon kay Arroyo, aalis siya patungong Singapore para sa operasyon ng kanyang asawa.

“Please pray for my family,” aniya. RNT/JGC