Home NATIONWIDE HR manager nahulihan ng mga bala sa paliparan sa Cebu

HR manager nahulihan ng mga bala sa paliparan sa Cebu

CEBU CITY- SA himpilan ng pulisya ang bagsak ng isang babaeng human resources manager matapos mahulihan ng apat ng bala ng baril sa kanyang bag, iniulat kahapon, Marso 31 sa Lapu-Lapu City.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o ang Comprehensive Law on Firearms and Ammunition at Commission on Elections (COMELEC) gun ban ang 47-anyos na babaeng hindi pinangalanan.

Batay sa report ng pulisya, bandang 1:00 PM noong Marso 27, 2025 naganap ang insidente sa Mactan-Cebu International Airport.

Sa imbestigasyon ng pulisya, patungo sanang Tacloban City ang babae nang makita sa kanyang hand-carry bag ang apat na bala sa X-ray machine.

Agad itong sinuri ng mga tauhan ng Office of Transportation Security at Philippine National Police (PNP) Aviation Security Unit at nakumpirma na mga bala ng baril na nasa pouch bag.

Habang sinusulat ang ulat na ito ay walang pahayag ang babaeng pasahero matapos itong magbayad ng piyansa nitong Lunes. Mary Anne Sapico