MANILA, Philippines- Tinukoy ni Lingayen- Dagupan Archbishop Socrates Villegas ang China bilang isang “banta” sa soberanya ng Pilipinas, na binanggit ang “mapanirang pagtatangka” nito na “yurakan” ang baybayin ng Pilipinas.
“The threat is no longer imagine. It is no longer mere conjecture,” sabi ni Villegas sa isang pastoral letter kamakailan para sa Archdiocese of Lingayen Dagupan.
Idinagdag pa ni Villegas na may katibayan ng mapanlinlang na mga pagtatangka ng isang dayuhang kapangyarihan na namamahala sa pamamagitan ng isang ideolohiyang hindi kumikilala sa Diyos at pinananatili ang lahat ng relihiyon at ang pagsasagawa ng pananampalataya sa ilalim ng “totalitarian boot” nito upang yurakan ang ang baybayin.
Binanggit ni Villegas ang “provocative actions” ng China laban sa barko ng Philippine Coast Guard lalo na sa Escoda Shoal.
Inilahad din ng Arsobispo ang posibilidad na ang gobyerno ay napasok ng Chinese assets, na binanggit ang mga pagsisiyasat na isinasagawa ng Kamara at Senado.
Ayon kay Villegas, mayroong “moral issue” na sangkot sa aksyon ng Tsina tungkol sa mga interes ng mga Pilipino sa pag-secure ng kanilang kinabuksan sa pamamagitan ng mga resources na ibinigay sa kanila ng Lumikha.
Gayundin umano ang “moral issue” ng pangangailangang itaguyod ang karapatan ng bansa na pairalin angpananampalataya, maging ang karapatang maprotektahan mula sa pagsalakay ng mga ahente ng isang “atheistic ideology.”
“There is the moral issue of jealously guarding that independence by which we have laid down for ourselves a system of law that recognizes fundamental rights and will not sacrifice them at the altar of any political or ideological party,” giit ni Villegas.
Samantala, inimbitahan ni Villegas ang publiko na makibahagi sa Rosary campaign mula Hunyo 27 hanggang sa Solemnity of the Assumption sa Agosto 15.
Nanawagan din siya sa mga Katoliko na mag-ayuno hangga’t maari, gayundin ang iba pang mga gawain ng penitensya sa loob ng parehong panahon.
Hinimok pa ni Villegas ang mga mababatas na manatling determinado sa kanilang mga pgsisiyasat, artikular sa paksa ng mga Chinese Infiltrators.
Sinabi niya sa prosecutors at mga hukom na maging tapat sa kanilang mga panunumpa sa panunungkulan bilang mga tagapangasiwa ng hustisya upang makita ang pag-uusig at pagpaparusa sa lahat ng “nangungutya sa mga prosesong legal at administratibo ng bansa.”
Umaasa rin ang Arsobispo na ang mga uniformed personnel na nagpapatrolya sa pinag-aawayang katubigan ay maaring makatanggap ng lahat ng suporta na maibibigay ng gobyerno. Jocelyn Tabangcura-Domenden