Home NATIONWIDE SIM Registration Law ‘di  ‘silver bullet’ vs scams – NTC

SIM Registration Law ‘di  ‘silver bullet’ vs scams – NTC

MANILA, Philippines- Nangako ang National Telecommunications Commission (NTC) na tutugunan ang mga alalahanin ukol sa POGO-related scamming activities.

Inamin nito na ang SIM Registration Law, ay hindi “silver bullet” laban sa messaging scams, patuloy na nahaharap sa ilang mga hamon sa naging implementasyon nito.

Nagpalabas ng kalatas ang ahensya matapos sabihin ni Senator Sherwin Gatchalian sa kanila “to stop sleeping on its job” para maisakatuparan ang nilalayon ng SIM Registration Act, nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Oktubre 2022, para bawasan kung hindi man alisin ang panloloko sa pamamagitan ng text o online messages.

Tinuran pa ng senador ang “significant number” ng SIM cards, na napaulat na ginagamit para sa scamming purposes, nasamsam mula sa sinalakay na POGO hubs, sa pagsalakay laban sa Smartweb Technology Corporation sa Pasay City, Zun Yuan Technology sa Bamban, Tarlac, at Lucky South 99 sa Porac at Angeles City, Pampanga.

“The NTC fully acknowledges the call of our legislators on the need to further strengthen not only the law, but also its enforcement, to which the NTC remains committed. Although the SIM Registration Act is not a silver bullet against messaging scams, it is nevertheless one of the most important tool for our law enforcement authorities because it provides legal sanctions for SIM-aided offenses,” ayon sa NTC.

Sa kabila ng kanilang mga pagsisikap at kooperasyon sa iba’t ibang law enforcement agencies sa imbestigasyon at prosekusyon sa mga nadakip na mga salarin ng scams sa bansa, sinabi ng NTC na ang implementasyon ng batas ay patuloy na nahaharap sa ilang mga hamon,

Dagdag pa nito, ang POGO-related scamming activities “become a regional phenomenon not confined only within the Philippines.”

Binigyang-diin din ng NTC na mayroong ibang paraan para makapambiktima ng indibidwal ang scammers gaya ng messaging sa pamamagitan ng over-the-top platforms kabilang ang Whatsapp, Viber, Telegram, at Messenger, na hindi umano sakop ng batas.

Maliban dito, sinabi ng ahensya na maaaring gamitin ng scammers ang IMSI Catchers, na “portable, easily-assembled, at mobile cell-sites” na may kakayahang magpadala ng mga mensahe na hindi kailangan ang SIMs.

“[I]n light of these recent developments and discoveries, the NTC shall continue to tighten its regulations pertaining to SIM registration to the fullest extent allowed under the existing law,” batay sa NTC. Kris Jose