Home HOME BANNER STORY Same-sex marriage aprub na sa Thailand!

Same-sex marriage aprub na sa Thailand!

BANGKOK, Thailand- Naging pinakaunang bansa sa Southeast Asia ang Thailand kung saan legal na ang same-sex marriage.

Inaprubahan ng senate upper house– 130 boto sa apat na may 18 abstentions– ang mga pagbabago sa marriage law na pumapayag na makasal ang same-sex couples.

Iaakyat na ang bagong batas kay King Maha Vajiralongkorn para sa royal assent at paiiralin 120 araw matapos ilathala sa opisyal na Royal Gazette.

Magiging ikatlo ang Thailand sa Asya kung saan maaaring ikasal ang same-sex couples, kasunod ng Taiwan at Nepal, at umaasa ang mga aktibista na pagsapit ng Oktubre ay maipagdiriwang na ang mga unang kasal.

“Today is the day that Thai people will smile. It is a victory for the people,” pahayag ni Tunyawaj Kamolwongwat, isang MP sa progresibong Move Forward Party, bago ang pagboto.

“Today it finally is happening in Thailand.”

Binago ng batas ang pagtukoy sa “men”, “women”, “husbands” at “wives” sa marriage laws sa gender-neutral terms.

Binibigyan din nito ang same-sex couples ng parehong karapatan tulad ng sa heterosexuals pagdating sa pag-aampon at mana.

Bubuksan ni Prime Minister Srettha Thavisin, na kilalang sumusuporta sa LGBTQ community at sa panukala, ang kanyang official residence sa mga aktibista at taga-suporta upang madiwang.

Plano rin ng mga aktibistang magsagawa ng evening rally tampok ang isang drag show sa central Bangkok. RNT/SA