MANILA, Philippines – Sa gitna ng kaguluhan na nangyayari sa Senado nitong Miyerkoles ng gabi, dumating ang Articles of Impeachment laban kay Sara Duterte matapos aprubahan ng Kamara ang impeachment complaint laban sa bise presidente.
Dinala sa Senado sa pamamagitan ng convoy mula sa House of Representatives ang Articles of Impeachment sa kabila ng tensyon sa paligid ng Senado.







