Home HOME BANNER STORY Asawa ng itinuturong mastermind sa pagpaslang sa online sellers kinasuhan ng double...

Asawa ng itinuturong mastermind sa pagpaslang sa online sellers kinasuhan ng double murder

171
0

MANILA, Philippines- Naghain ng reklamong double murder laban sa asawa ng umano’y mastermind sa pagpatay sa mag-asawang online sellers na sina Arvin at Lerma Lulu.

Ayon sa ulat nitong Biyernes, hihilingin din ng Philippine National Police ang lookout bulletin order sa Bureau of Immigration upang bantayan siya sakaling tangkain niyang umalis ng bansa.

“Base doon sa ating mga statements of witnesses and other evidence ay kasama siya kapag nagkakaroon ng pag-uusap yung mastermind at yung mga gunmen,” pahayag ni PNP PRO-3 Regional Director Police Brigadier General Redrico Maranan.

Hindi matanggap ng mga kaanak ng mag-asawang Lulu na pumunta pa sa lamay ang mga suspek, na tila hindi sila sangkot sa kanilang pagkasawi.

Sinasabing may P13 milyong utang ang umano’y matapos bumili ng beauty products mula sa mga biktima.

Lumabas pa sa imbestigasyon na mayroon ding utang ang mga suspek sa isa pang online seller sa Nueva Ecija na nagkakahalaga ng P27 milyon.

“So lumalabas parang modus operandi na nila ‘yun, na mangungutang [at] mag ii-issue ng tseke at later on ipapatay yung kanilang inutangan,” dagdag ni Maranan.

Patay sa pmamaril ang mag-asawa sa loob ng kanilang sasakyan sa Mexico, Pampanga, noong Oktubre 4. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here