
Ang mga asawa ng overseas Filipino workers (OFWs) na nagtatrabaho sa ibang bansa ng mahigit isang taon at kabilang sa low/semi-skilled worker category ay ituturing nang solo parents, ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Makikinabang sila sa mga pribilehiyo sa ilalim ng Expanded Solo Parents Welfare Act (Republic Act No. 11861).
Kasama sa mga benepisyo ang PHP1,000 buwanang subsidiya, awtomatikong saklaw sa National Health Insurance, mga exemption sa VAT, at prayoridad sa pabahay at edukasyon.
Upang makuha ang mga benepisyo, kailangan magparehistro ang mga solo parent sa kanilang lokal na pamahalaan para makakuha ng solo parent ID, na kailangang i-renew taun-taon. Santi Celario