Manila, Philippines- Hindi maganda ang pasok ng unang linggo ng unang buwan ng Bagong Taon para kay Dina Bonnevie.
Nitong January 7 ay sumakabilang-buhay ang kanyang asawa, ang Undersecretary ng Department of Agriculture na si Deogracias Victor “DV” Savellano. DV was 65.
Walang binanggit na sanhi ng pagpanaw ni Savellano.
Batay sa mga ulat, isinilang siya sa Cabugao, Ilocos Sur.
Nang ma-appoint noong 2023, Savellano managed the livestock portfolio under the DA until his passing.
Bago rito, nagsilbi munang deputy speaker si Savellano at first district representative ng llocos Sur.
Sa kanyang dalawang termino bilang llocos Sur governor, siya rin ang nagtatag noon ng KABSAT Caravan.
Ito’y isang prosperity program na namimigay ng mga libreng makinarya at inputs sa mga magsasaka sa kanyang lalawigan, kasama na ang mga tobacco farmers.
Ang pagpanaw ni Savellano ay ipinost sa Facebook ng National Tobacco Administration.
Kaisa ang Remate Online sa pakikiramay sa misis nito at aktres na si Dina Bonnevie at mga naulila nito. Ronnie Carrasco III