MANILA, Philippines — Humingi ng paumanhin sa aktres na si Anne Curtis ang asawa ni Bong Suntay at nilinaw na hindi sila sang-ayon ng kanilang mga anak sa kontrobersyal na pahayag ng mambabatas.
Sa isang pahayag sa social media, sinabi ni Sheila Guevara Suntay na hindi nila sinusuportahan ang ginawang analogy ng kanyang asawa.
“I want to be unequivocally clear: My children & I do not agree with, and we do not condone, the analogy made by Bong. The news circulating, that I laughed and therefore approved of what was said is false, and I will not allow that narrative to stand unchallenged,” aniya.
Humingi rin siya ng paumanhin kay Curtis at sa pamilya nito.
“To Anne Curtis and her family—I am deeply sorry. No woman should ever be spoken about that way, and I understand if words alone feel insufficient. Please know that my heart goes out to you, and I stand with you,” aniya.
Idinagdag niya na nararapat lamang na igalang ang bawat babae anuman ang kanilang pinagmulan.
“Every woman—regardless of who she is, whose wife or daughter she may be, or whatever her background—deserves to be treated with dignity and respect. That is a value I hold deeply and will never compromise on,” aniya.
Nanawagan din si Sheila na huwag idamay ang kanilang pamilya sa isyu.
“We are not public figures. My children are children. No mother should have to watch her children be targeted and harassed for something they had no part in. I humbly ask the public and the media to respect that boundary,” aniya.
Umani ng batikos si Suntay matapos ang kanyang pahayag tungkol kay Curtis sa pagdinig ng Kamara kaugnay ng impeachment complaints laban kay Sara Duterte. Kalaunan ay tinanggal sa opisyal na rekord ang kanyang pahayag.
Binatikos din ng kapatid ni Curtis na si Jasmine Curtis-Smith at ng iba pang personalidad ang naturang komento ng mambabatas. RNT