Home NATIONWIDE Asawa ni Roque, out; bagong Pag-IBIG exec itinalaga ni PBBM

Asawa ni Roque, out; bagong Pag-IBIG exec itinalaga ni PBBM

MANILA, Philippines – OUT na si Mylah R. Roque bilang miyembro ng ng Board of Trustees ng Home Development Fund/ Pag-IBIG Fund.

Sa katunayan, itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si Maria Lourdes D. Doria-Velarde bilang kapalit ni Roque, asawa ni dating presidential spokesperson Harry Roque.

Si Doria-Velarde ang magiging kinatawan ng pribadong sektor sa Pag-IBIG.

Tinuran pa ng Malakanyang, si Doria-Velarde ay dating deputy general manager for administration ng Duty Free Philippines, at miyembro ng Board of Trustees ng Nayong Pilipino Foundation at Intercontinental Broadcasting Corp.

“She is also a content creator and culinary arts expert,” ayon pa rin sa Malakanyang.

Samantala, sinasabing di umano’y ang dahilan ng pagpapalitan at pagkakatalaga ay matapos magbatuhan ng akusasyon ukol sa paggamit ng droga sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Kris Jose

Previous articleNPA leader utas sa militar sa Leyte
Next articleHapon na suspek sa bomb threat sa gov’t offices iniimbestigahan na