Home NATIONWIDE Atas ng Pangulo sa DICT: Online scams sa Christmas season, puksain!

Atas ng Pangulo sa DICT: Online scams sa Christmas season, puksain!

351
0

MANILA, Philippines – Inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na puksain ang online scams, partikular na sa panahon ng Christmas season, karagdagan sa paglaban sa fake news.

“Ang direktiba po ng Presidente sa amin malapit nang mag-Pasko sabi niya, ‘Puwede ba pagdating ng Pasko mawala na iyong mga online financial scams,” ang sinabi ni DICT Secretary Henry Aguda sa press briefing sa Malakanyang, araw ng Martes.

“Ang aspiration po natin ngayon ay kapag nag-transaction kayo online itong Pasko kung saan mataas ngayon ang paggamit ng credit card at saka online payment ay kampante po tayo,” aniya pa rin.

Bilang tugon sa direktiba ng Pangulo, sinabi ni Aguda na nakipagtulungan at ugnayan na ang DICT sa Global Anti-Scam Alliance, Globe Telecom at iba pang telecommunications companies na sumapi sa inisyatiba.

At pagdating naman sa paglaban sa fake news, sinabi ni Aguda na ang telcos at social media platforms ay nagdaos ng pagpupulong noong September 19 na naglalayon na makamit ang ‘content moderation.’

“Content moderation is now being studied to gain a deeper understanding of the Philippine setting,” ang winika ni Aguda.

“Kasi overseas iyong mga content moderation nila, eh iyong konteksto po ba na kontekstong Pilipino hindi nila masyadong nakukuha kapag nasa ibang bansa sila,” ang sinabi ni Aguda sabay sabing “So, dito po at saka makikipag-ugnayan sila nang mabuti sa atin.”

Sa kabilang dako, sinabi ni Aguda na ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center ang siyang pangunahing ahensiya sa paglaban sa fake news, habang binigyang diin ang pangangailangan na tugunan ang deepfakes na bumibiktima sa mga tao.

“The effort will involve inter-agency cooperation with other agencies, including the Department of Budget and Management (DBM), the Department of Social Welfare and Development (DSWD), the Bureau of Customs (BOC), and the Department of Public Works and Highways (DPWH),” ayon kay Aguda. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here