Home ENTERTAINMENT Atasha, dinipensahan sa binatikos sa Annie Batungbakal role!

Atasha, dinipensahan sa binatikos sa Annie Batungbakal role!

1
0

Manila, Philippines – Katakutakot na pagpuna ang ipinatitikm ngayon kay Atasha Muhlach na gaganap bilang title roler sa musical play na Annie Batungbakal.

Adaptation ito ng 1987 film na may ganito ding pamagat tampok si Nora Aunor.

Sa play version, it’s titled Bongga Ka ‘Day: The Annie Batungbakal Musical.

Inaakusahan si Atasha na pinagana o pinairal ang nepotismo para lang makuha ang role.

Ayon sa mga bashers, maganda na sana ang reputasyon ng mga Muhlach twins dahil lowkey sila until they’ve become nepo babies.

Sana daw ay ipinagkaloob ang role ni Atasha sa mas deserving o karapat-dapat na theatre artist.

Lumutang din ang pangalang Rachel Libres na pumila sa auditions para sa casting.

Samantalang ni anino ni Atasha ay hindi namataan sa nasabing proseso.

“The saddest part is when nepotism takes away opportunities from those who are more deserving,” ayon sa isang netizen critical of Atasha’s choice.

Bakit pa daw nagkaroon ng pila sa pagpili kung may na-handpick o napili na sa role?

Pinuna din ang accent ni Atasha.

Samantala, may mga dumepensa naman sa dalaga nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales.

Panoorin daw muna ng mga bashers ang nasabing musical at saka husgahan si Atasha.

Sa madaling salita, be fair to Atasha. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here