Manila, Philippines- “Basta may Noranian, may Nora Aunor!”
Ito ang buong pagmamalaking sambit ni Ate Gay, na wari’y buhay na buhay ang alaala at legasiya ng Superstar at National Artist for Film and Broadcast Arts hangga’t nariyan ang mga masugid na tagasubaybay nito.
Ayon sa standup comedian na impersonator ni Nora, tatlong dekada na raw niyang bitbit ang stage name na Ate Gay.
He was born Gil Morales.
Pagbabahagi niya, he would not have traveled the world kung hindi dahil kay Ate Guy.
Supportive nga raw ang namayapang singer-actress kahit noong mag-concert siya sa SM MOA.
“Guest ko siya. Lahat ng mga gumagaya sa kanya, suportado niya.
“Hindi niya kami pinagbabawalan sa atake ng aming impersonation!” pagbibida ni Ate Gay.
Sa burol nga ng Superstar sa Chapel 9 ng Heritage Park, naghandog si Ate Gay ng awitin.
He sang Nora’s Kahit Konting Awa na inawit nito sa isa niyang award-winning film.
Ate Gay likewise looks back on the lessons the Superstar taught him.
“Itinuro niya sa akin kung paano maging mabait sa tao, kung paano tratuhin ang mga fans at dala-dala ko ‘yon hanggang ngayon,” madamdaming sabi ni Ate Gay. Ronnie Carrasco III