Home ENTERTAINMENT Ate Gay, isinugod uli sa ospital!

Ate Gay, isinugod uli sa ospital!

284
0

Manila, Philippines – Sa Asian Hospital and Medical Center uli ang bagsak ni Ate Gay.

Ito’y dahil sa aniya’y late nang side effects ng kanyang chemotherapy in the treatment of his cancer.

Ayon kay Ate Gay–o Gil Morales sa totoong buhay–hindi daw nada-digest ang kanyang kinakain dahil sa mouth ulcers.

Lumitaw daw kasi ang mga singaw–dahilan para hindi siya makakain.

“Forty eight hours ‘yan nakatusok sa akin bilang paraan para makakain ako,” sabi ni Ate Gay sa kanyang hospital bed.

Bumuhos naman ng mga get well messages mula sa mga netizens.

Nito lang November, masaya pang ibinahagi ng stand-up comedian na nakumpleto na niya ang kanyang chemo: “Yeheey, graduate na ‘ko sa chemo…nakakakain na ako nang bonggang-bongga!”

Nauna rito, umimpis na ang dati’y malaki niyang bukol dulot ng radiation therapy, pero binalaan siya ng kanyang doktor na huwag magpakakampante dahil sa posibleng recurrence nito. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here