Home ENTERTAINMENT JuRald, may ‘internal agreement’?

JuRald, may ‘internal agreement’?

270
0

Manila, Philippines – No less than Gerald Anderson vehemently denied na nagkabalikan sila ni Julia Barretto.

Two months ago, ang sighting sa kanila na sabay na dumating at sabay ding umalis sa unang gabi ng burol ng tiyuhin ni Julia na si Mito instantly sparked rumors about their reconciliation.

Matatandaang prior to this ay naglabas ng official statement sa social media ang mga namamahala respectively sa career nina Julia at Gerald confirming their breakup–ang Viva Artists Agency ng aktres at Star Magic ng aktor.

Pero mismong si Gerald na ang nagkumpirma na ang balitang he and Julia got back ay malinaw na fake news.

Aniya: “I think responsibility ng publiko na alamin kung ano ang totoong balita from fake news. And in our case, it’s fake news!”

Dagdag pa ng aktor, hindi lang daw sa industriya ng showbiz laganap ang fake news kundi kahit saan.

Lalo kasing tumibay ang anggulo ng kanilang reconciliation nang mabalitang umiiskor na ng diamond ring si Gerald.

Taliwas ito sa consistent na sagot ng aktor sa tuwing dadalo sa mga showbiz events na: “I’m single!”

Well, that is as far as Gerald is concerned–‘yun din kaya ang isagot ni Julia?

Or may “internal agreement” sila na iligaw ang press sa tunay na estado ng kanilang relasyon?

Hmmm, posible! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here