Home ENTERTAINMENT Ate Guy, sumipot sa Cinemalaya, naka-wheelchair!

Ate Guy, sumipot sa Cinemalaya, naka-wheelchair!

176
0

Manila, Philippines- Hindi pinalampas ni Nora Aunor ang closing ng Cinemalaya Bente nitong Sabado, August 10, sa Ayala Malls Manila Bay.

Ipinalabas kasi sa apat na sinehan ang pelikula niyang Bona.

Present din ang love interest niya sa nasabing Lino Brocka film na si Phillip Salvador.

In fairness, jampacked ang apat na sinehang pinagpalabasan ng Bona.

‘Yun nga lang, patungong Cinema 2 ay mahaba ang lalakarin.

Dusa nga naman ang aabutin ni Nora who had to use a wheelchair.

Hindi na rin daw nagtagal ang Superstar sa panonood ng pelikula niya as she had to leave bago ito mag-closing credits.

Pero for sure, na-overwhelm si Ate Guy sa grabeng suporta mula sa mga solid Noranians who came in throngs.

Hindi na nga rin nagkaroon ng pagkakataon ang ibang members ng media na kapanayamin si Nora.

Hirap pa rin daw kasi ito sa pagsasalita.

Hindi nga rin nakasipot si Nora sa isa man lang gabi all throughout Mother Lily’s wake dahil masama ang pakiramdam nito.

Besides, may pamahiin tayong mga Pinoy na ipinagbabawal umattend ng lamay ang taong maysakit. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here