Home NATIONWIDE EBET Act, LPD Industry Act aprub sa Senado

EBET Act, LPD Industry Act aprub sa Senado

MANILA, Philippines- Walang tumutol kaya kaagad pinagtibay ng Senado sa botong 19 pabor nitong Lunes ang dalawang mahahalagang panukalang batas na magpapaluwag sa implementasyon ng trainiting initiatives sa negosyo.

Sa plenaryo nitong Lunes, pinagtibay ng Senado ang Senate Bill (SB) No. 2587, o ang Enterprise-based Education and Training (EBET) Framework Act na may layunin na ayusin ang implementasyon ng training initiatives ng negosyo at access sa training ng indibidwal na gustong mapaunlad at mapalakas ang kanilang kasanayan sa pagbabago ng teknolohiya sa mundo.

Pinasalamatan naman ni Senador Joel Villanueva, principal author at sponsor ng panukala, ang Palasyo at kasamahan sa Senado sa pagsuporta sa pagsasabatas nito.

“Isa po ito sa mga prayoridad ng ating administrasyon kaya nagpapasalamat din po tayo kay Pangulong Bongbong Marcos sa pakikipag-usap sa atin noon at pagtalaga sa atin para pangunahan itong napakahalagang panukalang batas,” wika ni Villanueva.

Sinabi naman ni Senador Loren Legarda na tinutugunan ng SB 2587 ang diverse competencies na kailangan sa partikular na job qualifications, kaya papayagan silang gumawa ng maayos at epektibong pamamaraan sa pagsasanay.

“By addressing the unique needs and skills demanded by different industries, it ensures that training programs are not just generalized but are strategically aligned with specific requirements by various sectors,” ayon kay Legarda.

Aniya, magiging malakas na gamit ang panukala sa pagsusulong ng pambansang kaunlaran at tiyakin na magkakaroon ng pangmatagalang sustainability sa mabilis na pag-unlad ng pamilihan.

Ikinatuwa naman ni Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros na itinataguyod ng batas ang paglikha ng grievance committee sa bawat negosyo na nagpapatupad ng EBET program, at paiiralin ang equal protection at safe spaces saEBET programs.

“I sincerely hope that this bill generates greater attraction for both enterprises and technical vocational students to join the EBET program because of its promising benefits for trainees to learn the skills and knowledge required by their chosen fields, and for companies to benefit from the significant contribution of trainees to their companies,” giit ni Hontiveros.

Sa kabilang dako, layunin naman ng Senate Bill No. 2558 na palakasin ang umiiral na istruktura ng gobyerno na sumusuporta sa livestock, poultry, and dairy (LPD) industry.

Nakatakda sa panukala na: β€œIt seeks to enact responsive policies and programs to promote the comprehensive development of the industry’s value chain, enhance the cost-effectiveness of animal disease prevention and control regulations, and ensure the enforcement of food safety and quality standards for produce and processed products, all while minimizing disruptions to trade and value.”

“In behalf of the Livestock, Poultry, and Dairy Industry, we thank all the senators who supported this bill and all the staff of the Senate who made the passing of this bill possible,” ayon kay Senador Cynthia Villar, isponsor ng panukala.

Bukod sa dalawang panukala, inaprubahan din ng Senado ang anim pa na naglalayong paunlarin ang pagamutan sa Ilocos Norte, Guimaras, Bohol, Bulacan, at Negros Occidental. Ernie Reyes