Home ENTERTAINMENT Ate Guy, talent manager na!

Ate Guy, talent manager na!

Manila, Philippines- Tipong may iba pang showbiz career ngayon si Superstar Nora Aunor bukod siyempre sa patuloy pa rin niyang pag-acting sa big screen.

Sa ngayon, after doing the movie Mananambal ay busy siya sa pagiging talent manager at sa itinayo niyang Nora Cares Outreach Program na tumutulong sa mga needy ones.

Ang first talent niya as talent manager ay walang iba kundi ang singer-rapper at longtime friend niyang si John Rendez na magkakaroon ng benefit show this coming October 15, 2023 sa Music Box, na ang presyo ng tikets ay P500 each lang na for sure ay kering keri ng mga madlang pipol lalo na ng mga Noranians worldwide.

Kumakailan lamang ay pumirma ng kontrata sa Star Music si John at si Ate Guy nga ang tumayong business manager ng singer cum rapper.

Malaki umano ang tiwala ni Ate Guy sa Star Music na makatutulong sa pagbabalik ng career ni John sa pagkanta.

“Dahil sa hindi pa ako makakanta sa ngayon, siyempre gusto ko maibigay  sa katulad ni John na hindi rin nakapagpatuloy ng kanyang singing career. So umaasa ako na dito sa Star Music ay mabibigyang-buhay ulit ang kanyang talent na ibinigay ng nasa itaas,” makahulugang pahayag ni Ate Guy.

Bukod sa pagma-manage ng singing career ni John ay muling binuhay ni La Aunor ang kanyang NV Productions now called NA Productions to produce more films at hiningan pa nga niya si Yours Truly ng storyline script na babagay kay John. At binigay ng inyong lingkod ang mga title ng story script na babagay kay John na wish ko lang ay maapruban, boom, ganernn!

Aminado ang Supertar na hinahanap-hanap na rin niya ang pagkanta para sa lahat ng kanyang mga tagahanga.

“Unang-una, ang pagiging mang-aawit ko, diyan talaga ako nag-umpisa. And sa tagal ng panahon na hindi ako nakakakanta, nami-miss ko talaga,” pagtatapat ni Ate Guy.

Open din ang Superstar sa muling paggawa ng pelikula at kung mabibigyan ng pagkakaton ay gusto niyang makasamang muli si Vilma Santos.

“Kung may offer, buong-puso kong tatanggapin ‘yon. May mga kumakausap sa amin na gumawa ng pelikula. Pero ang nagiging problema nga lang ay schedule. Baka hindi magtugma ang schedule. Pero malay natin, dumating ang panahon magkakasama rin kami,” pagtatapos ng Superstar.

Eh, harinawa nga ay muli silang makagawa ng pelikula ni Ate Vi after nilang gawin yung old film titled Ang T-Bird At Ako.

Pero ang gusto ni Yours Truly ay makagawa sila ng pelikula ni John bilang lovers sa story cum script namin titled Love Overload….pakkk, ‘yun na!

O, siya mga Noranians worldwide, kabilin bilinan ni Ate Guy na panoorin niyo ang benefit concert ni John titled John Rendez-Vous this coming October 15 sa Music Box with special guests Beverly Salviejo at Jeremiah sa halagang kayang kaya ng bulsa. Mercy Lejarde