Home OPINION ATE VI AT MGA ANAK MAGANDA ANG GINAWA

ATE VI AT MGA ANAK MAGANDA ANG GINAWA

224
0

IBA-IBA ang reaksyon ng netizens sa ginawang paghahain ng certificate of candidacy ni Star for All Seasons Vilma Santos-Recto at mga anak na sina Luis “Lucky” Manzano at Ryan Christian Recto para sa darating na 2025 Midterm Elections.

Si Santos-Recto na unang babaeng alkalde ng Lipa at naging gobernadora ng Batangas sa loob ng siyam na taon at naging congresswoman ng 6th District ng Batangas ay muling lalaban bilang gobernadora ng nasabing lalawigan.

Ang anak niyang si Lucky ay kandidato naman sa pagka-bise gobernador habang si Ryan ay kongresista sa ika-6 na distrito ng kaparehas na lalawigan.

Marami ang nagpahayag ng pagkadisgusto dahil lumalabas na dinastiya na nga naman sakaling lahat sila ay manalo at si dating Sen. Ralph Recto ay nasa Department of Finance. Wala na nga bang ibang mahusay na ‘lingkod bayan’ ang Batangas?

Pero para sa inyong PAKUROT maganda na rin ang ginawa ng mag-iinang Recto sapagkat nabuking na sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay usong-usong ang dinastiya. Sa pamilya pa lang ng Marcos ay bistado na.

Sa pamilya ng Pangulong Bongbong ay halos kumpleto ang opisyales ng pamahalaan. May pangulo, may senador, may kongresista, may gobernador, hindi ako sure kung may mayor. Pero sa madaling salita, gumagana ang salitang dinastiya. Meron kayang Cabesa de Barangay?

MARK LEVISTE UMATRAS KAY ATE VI

Noon, maraming fans ni actress Kris Aquino ang nambash kay Batangas Vice Governor Mark Leviste dahil sa ginawa nitong panunuyo na kahit nasa Amerika ang una ay sinundan nito.

Inakala ng bashers na gagamitin lang ni Leviste ang actress na noon ay may sakit para sa kanyang kandidatura na itinanggi naman ng ikalawang ama ng Batangas.

Ipinakita ni Mark Leviste na totoo ang kanyang hangarin sa mommy nina Joshua at James Carlos a.k.a. Bimby kaya tuloy-tuloy ang panunuyo nito.

Ang masaklap lang para kay Leviste ay napagbintangan na rin lang, hindi pa niya itinuloy. Umatras sa pagkandidato bilang gobernador ng Batangas itong si Leviste dahil sa pagtakbo naman ni Santos-Recto at anak.

Ayon sa Vice Governor ng Batangas, ang kanyang pag-atras sa pangarap na maluklok sa pinakamataas na posisyon sa kanyang lalawigan ay bilang pagpapakita ng respeto sa mga Recto. Tatakbong kongresista sa 3rd District ng Batangas si Leviste.

Sabi naman ng mga Marites at mga Tolits, hindi siya (Mark Leviste) ang susuportahan ni Santos-Recto dahil may minamanok ito na isang abogado at mula rin sa pamilya ng mga politiko.

Gayunman, iginiit ni Leviste na higit sa ano pa man ang kanyang respeto at katapatan sa mga Recto hindi man siya suportahan ng tatakbong gobernadora.

“Ang ating layunin ay palaging mapabuti ang lalawigan ng Batangas, at patuloy natin  itong isusulong,” dagdag pa ni Leviste.

Nilinaw nito na wala siyang sama ng loob sa mga Recto.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here