Manila, Philippines – Tila habang sinusulat ito’y hindi pa rin daw lubos na matanggap ni Batangas Governor-elect Vilma Santos-Recto ang resulta ng nagdaang eleksyon.
Ito’y ang kabiguang sinapit ng kanyang naging runningmate at anak na si Luis Manzano.
Inaasahan daw kasi ng kampo ng nagbabalik-pulitikang aktres na triple victory ‘yon pabor sa kanya, kay Luis at kay Ryan Christian.
Tumakbong Congressman sa ikaanim na distrito ng Batangas si Ryan at nagwagi.
Kung titingnan ang mga figures, milya-milya ang layo ng nanalong Bise Gobernador na si Dodo
Mandanas sa mga botong nakuha ni Luis.
In fairness, maaga pa lang ay bukal sa kaloobang nag-concede na si Luis.
Pero salungat ito sa kundisyon ni Vilma.
Hindi nga sinipot ng Star for All Seasons ang proklamasyon.
Idinahilan nito na mas pinili raw nitong alagaan ang apo na si Baby Peanut, anak nina Luis at Jessy.
Patunay rin daw na ikinungkot ni Ate Vi ang ‘di inaasahang resulta ay ang ‘di nito pagsagot sa mga mensahe ng press na kumokontak sa kanya.
Siyempre, nais ng press na malaman kung ano ang pakiramdam ng aktres sa election outcome.
Kaso nga’y tila naka-social media break ito–isang paraan daw ng kanyang pag-iwas para ‘di ma-depress.
May ilan din daw miyembro ng press na naturingan niyang mga kaibigan ang balitang binlock ni Ate Vi sa ‘di malamang dahilan.
Ayon sa mga ito, gusto na lang nilang unawain si Vilma dahil kung kasaysayan nga naman ng kanyang pagpasok sa pulitika ang pag-uusapan ay never niyang nalasap ang pagkatalo.
Vilma had served as Lipa City mayor, Batangas Governor and Lipa City Representative. Ronnie Carrasco III