Manila, Philippines – Isang punong puno ng sigla ang dinatnan naming Vilma Santos nang maimbitahan kami sa pangatlong taon na ngayong Barako Fest na ginanap sa Batangas City.
Very energetic at talaga namang hindi mo makikita sa Star for all Seasons na isa siyang senior citizen, huh!
May mga nagmamahal kasi sa premyadong aktres na nagwo-worry sa health niya.
Hindi ba natatakot si Ate Vi sa lumalaganap ngayong sakit at kadalasan, ang mga nadadale ay mga kasing edad niya?
“Well nagkaroon din naman ako ng mild na sipon at ubo pero ang nadale at na-ospital si Lucky,” napatawang kasagutan amin ni Ate Vi, huh!
Dagdag pa ni Ate Vi nang makausap namin siya ay hindi naman daw talaga maiwasan na madapuan ng sakit lalo na at usung uso ngayon ang ubo’t sipon.
“Sa araw araw araw at sa dami ng tao na nakasalamuha namin, maraming nayayakap, nakikipag-beso-beso, kumbaga, dinudumog ka talaga nang husto.
“Ang sabi nga sa akin, dapat daw naka-mask ako sa mga ganyang pagkakataon pero hindi naman pwede yun.
“Bahala na pero need naming maibalik sa mga tao ang tiwala nila, para sa akin priceless yun,” lahad pa ng premayadong aktres.
Ipinagmamalaki naman ni Ate Vi na isa siyang senior citizen kaya ganun na lang kaingat ang pangangalaga ng aktres sa katawan niya, huh!
“At my age, I do a lot of exercise, inspite of my hectic schedule, at kung nakaramdam na ako ng pagod, I rest.
“And I really thank God, because of my daily exercises, kahit paano nakatulong yun sa heath ko.
“Kasi pag pagod ka na, take time to rest and you must know how to take care of health,” banggit pa ng nag-iisang Star for All Seasons. Jimi Escala