Home ENTERTAINMENT Ate Vi, tinabla ni direk Cathy!

Ate Vi, tinabla ni direk Cathy!

Manila, Philippines – Kilalang prangka ang box office director na si Cathy Molina-Sampana.

Siya ‘yung tipong tao who doesn’t mince words.

She speaks her mind pero naroon pa rin ang respeto at politeness.

Aniya, dalawa lang ang msituturing niyang pet peeves when it comes to work–ang katrabahong hindi marunong makinig sa kanyang instructions at katrabahong late kung dumating sa set.

Very basic lang naman kung tutuusin what direk Cathy expects of her artists.

Pag lumabag ang mga ito sa simpleng gusto niyang mangyari, expect her to put her foot down.

Terror director, is she?

Well, not necessarily.

Nangingilag din naman daw si direk Cathy kung malaking pangalan sa industriya ang makakatrabaho niya.

Inamin ng lady director na ilang beses na raw pala siyang inalok to direct Vilma Santos in a movie.

If other directors will seize the opportunity ay kabaligtaran sa kanya.

Kung ilang beses daw siyang inalok ay ganoon din ang bilang ng kanyang pagtanggi.

Hindi raw kasi maimadyin ni direk Cathy na sabihan if ever that a particular scene needs to be reshot.

Naroon daw ang hiya dala na rin ng pagiging in awe of the Star for All Seasons! Ronnie Carrasco III