MANILA, Philippines – Ibinunyag ng National Police Commission (Napolcom) Executive Officer Rafael Calinisan na sinubukang impluwensiyahan ni gambling tycoon Charlie “Atong” Ang ang administrative investigation ng komisyon laban sa mga pulis na konektado sa pagkawala ng hindi bababa sa 34 na sabungero.
Sinabi ni Calinisan na personal na tumawag si Ang noong Hulyo 12 sa isang taong malapit sa kanya upang pigilan ang imbestigasyon.
“To be honest, I was insulted when he tried to make a deal with me. Even though Atong Ang’s camp has a lot of money, he cannot pay us off… That call says a lot. I have my own mind, I cannot be bought. Justice is not for sale,” aniya.
Iniulat ng whistleblower na si Julie Patidongan na inupahan ni Ang ang mga pulis upang dukutin at patayin ang mga sabungero na pinaghihinalaang nandaya.
Noong Enero, 11 pulis ang pinatalsik ng Napolcom dahil sa umano’y pagkakasangkot sa kaso. Dalawampu’t isa sa mga co-accused ni Ang, kabilang ang 14 na aktibo at dating pulis, ay nakulong matapos maglabas ng arrest warrants ang mga korte sa Laguna at Batangas. Si Ang ay nananatiling nasa ilalim ng batas.
Itinanggi ni Ang ang mga paratang, at iginiit na sinubukan siyang extort ni Patidongan ng P300 milyon. Santi Celario