Home ENTERTAINMENT Atty Topacio, may plano sa BORAT!

Atty Topacio, may plano sa BORAT!

Manila, Philippines – Present ang lahat ng talents ng bagong tatag na talent management ng celebrity lawyer na si Atty. Ferdinand Topacio, ang Borracho Artist and Talent Management or BORAT, sa pinatawag na Thanksgiving party dahil sa pagiging number 1 sa Netflx ng pelikulang Mamasapano under Borracho Films.

FYI ay napapanood na ngayon sa streaming app na Netflix ang nasabing controversial film.

At the presscon, Topacio officially introduced the new talents under BORAT who all signed an exclusive contract with his house: Fiona Phoebe, Tala Zaldiver, Stella Blanca, Luna Bella, Anya Koh, Sam Coloso and Barbara Milano, who is making a comeback.

Inilatag din ni Atty. Ferdie ang kanyang concrete plans sa mga talents ng BORAT.

Sinabi ni Atty. Ferdie na sinisiguro niya na magkakaroon ng proyekto ang kanyang mga talents.

Kung hindi man daw under ng kanyang Borracho Films at sa mga ipo-produce niyang pelikula ay pwede naman daw lumabas ang kanyang nga artista sa ibang production outfit.

Inihalintulad ni Atty. Ferdie si Sam na nanalo sa Sexy Babe ng Ot’s Showtime na ngayon ay lumalabas din sa TV5 bilang co host ni John Arcilla sa SpinGo.

Si Barbra naman ay ang magiging leading lady ni Edu Manzano sa A Dinner in a Week.

Malapit na ring simulan ang kakaibang RonCom na Spring in Prague directed by Lester Dimaranan and starring Czech-Macedonian actress Sara Sandeva and Filipino actor Paolo Gumabao.

Syempre, kasama rin dito ang BORAT talents.

Ipinangako ni Atty. Ferdie sa kanyang nga artista na magiging busy ang lahat ngayong taong 2024. JP Ignacio