Home NATIONWIDE Disaster insurance program para sa gov’t assets pinairal ng PH gov’t

Disaster insurance program para sa gov’t assets pinairal ng PH gov’t

MANILA, Philippines- Sinimulan ng Bureau of Treasury (BTr) ang pagpapatupad ng national insurance program para sa government assets sakaling magkaroon ng sakuna kung saan inisyal na sasaklawin ang 132,862 school buildings.

Sinabi ng bureau na opisyal itong sinimulan ng National Insurance Indemnity Program (NIIP), na insured ng Government Service Insurance System (GSIS), sa layuning tiyakin ang pondo para sa reconstruction ng mga pasilidad mula sa hindi inaasahang pinsala na maaaring idulot ng facilities mga bagyo at lindol.

“Safeguarding our national assets is crucial to ensure the safety and readiness of the projects delivered by this administration for the Filipino people. This is just one of the many immediate actions we are taking to bolster our country’s financial resilience,” pahayag ni Finance Secretary Benjamin Diokno.

Anang BTr, saklaw nito ang inisyal na ₱800-billion insurance value para sa nationwide school buildings sa ilalim ng Department of Education sa pamamagitan ng paggamit ng excess payout mula sa Catastrophe Bond.

“Unlike the often single-asset insurance purchase, a portfolio approach was taken to spread out the risk and maximize the available premium budget,” pahayag ng BTr. RNT/SA

Previous articleErwin Tulfo namayagpag sa 2025 senatorial survey ng OCTA
Next articleAtty Topacio, may plano sa BORAT!