MANILA, Philippines – IDINEKLARA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Agosto 1 ng bawat taon bilang “Araw ng Paglalathala at Pagtatanyag ng Kasarinlan ng Pilipinas,” paggunita sa deklarasyon ng Philippine Independence sa panahon ng Bacoor Assembly sa kaparehong petsa noong 1898.
Ang Republic Act (RA) 12073, nilagdaan ni Pangulong Marcos noong Nov. 7, nagdedeklara ng special working holiday sa kada Agosto 1 para gunitain ang Aug. 1, 1898 assembly sa Bacoor, Cavite kung saan ang Acta de Independencia ay tinintahan ni dating Pangulong Emilio Aguinaldo, kasama ang 200 municipal leaders, opisyal na pinanindigan ang kalayaan ng Pilipinas mula sa Spaniards.
Ang Acta de Independencia ay dinraft (draft) ni Apolinario Mabini.
Sa ilalim ng Under RA 12073, ang cultural agencies sa pangunguna ng National Commission for Culture and the Arts ay may mandato na i-promote ang kahalagahang pangkasaysayan ng Aug. 1 at ang event na may kinalaman sa Bacoor Assembly noong 1898.
Para turuan ang mga estudyante, inatasan ang Department of Education na i-develop at ipatupad ang lesson plans na magbibigay-diin sa kaugnayan at kahalagahan ng Agosto 1.
“The State recognizes the vital role of history in fostering unity, national identity, nationalism, and nation-building. It shall ensure that historical dates and events are preserved, promoted, popularized, and made accessible to the public as part of the country’s heritage,”ang nakasaad sa batas.
Samantala, pinirmahan naman ni Pangulong Marcos ang RA 12067, nagdedeklara sa Feb. 24 kada taon bilang “Araw ng Sibugay” at gawin itong special working holiday sa Zamboanga Sibugay province para gunitain ang foundation day nito.
Ang kopya ng RAs 12073 at 12067 ay naka-upload sa website ng Official Gazette, araw ng Miyerkules.
Ang bagong batas ay magiging epektibo matapos ang 15 araw na publikasyon nito sa Official Gazette o sa pahayagan na may general circulation. Kris Jose