Naghahanap ng P8.5 milyon na badyet para sa 2025 ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para ipakilala ang mga advanced security features sa mga pambansang sertipiko na kanilang ibinibigay sa gitna ng pagkakaroon ng mga peke.
Ito ang inihayag ni Senator Joel Villanueva sa pagpapatuloy ng Senate plenary deliberations sa panukalang 2025 national budget nitong Miyerkules Wednesday matapos hilingin ni Senator Sherwin Gatchalian sa TESDA na kumpirmahin ang pagkakaroon ng mga pekeng national certificates.
Ayon kay Villanueva, ang P8.5 milyon para sa advanced security features na ito ay kasama na sa National Expenditure Program o ang budget na iminungkahi ng Executive Department sa Kongreso at ang pondo ay pinanatili sa Senate version ng General Appropriations Bill o ang panukalang batas na naglalaman ng ang iminungkahing pambansang badyet para sa 2025.
Noong 2016 pa lang, humingi na ng tulong ang TESDA sa National Bureau of Investigation para maimbestigahan ang umano’y sindikatong sangkot sa paggawa ng pekeng National Certificate at Certificate of Competency (COC) na ibinibigay lamang ng ahensya ng gobyerno.
Noong 2023, binalaan ng TESDA ang publiko laban sa mga national certificate na inaalok online matapos arestuhin ang isang lalaki sa Cotabato City dahil sa pagbebenta ng pekeng TESDA certificate sa halagang P3,500.
Naghain ng resolusyon si Villanueva noong Setyembre na humihiling ng imbestigasyon sa umano’y proliferation ng pekeng TESDA national certificates.(Jocelyn Tabangcura-Domenden)