MANILA, Philippines- Inaasahang babagal ang inflation ngayong Agosto sa gitna ng mas mababang presyo ng produktong petrolyo at iba pang agricultural products na naobserbahan sa nasabing panahon, base sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) nitong Biyernes.
Sinabi ng BSP na inaasahan nitong ang inflation— rate ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo– ay papalo “within the range of 3.2% to 4%.”
Naitala ang inflation sa 4.4% noong Hulyo.
Sinabi ng BSP na ang mas mataas na electricity rates at presyo ng agricultural commodities, dahil sa masamang panahon, ang pangunahing mitsa ng upward price pressures para sa buwang ito.
Subalit, ang mga salik na ito ay “expected to be offset by lower domestic oil prices as well as lower rice, fish, and meat prices along with the peso appreciation,” anito.
“Going forward, the Monetary Board will continue to take a measured approach to ensuring price stability conducive to balanced and sustainable growth of the economy and employment,” base sa BSP.
Nakatakdang ipalabas ng Philippine Statistics Authority ang opisyal na datos sa inflation para sa buwan ng Agosto sa Setyembre 5. RNT/SA