Home NATIONWIDE Aurora Gov. Tolentino pumanaw sa edad na 74

Aurora Gov. Tolentino pumanaw sa edad na 74

250
0

MANILA, Philippines – Pumanaw nitong Lunes ng umaga si Aurora Governor Reynante A. Tolentino sa edad na 74 dahil sa matagal na karamdaman.

Nag-leave siya noong Agosto 20 para magpagamot ngunit muling bumalik sa trabaho noong Setyembre 1 upang ipagpatuloy ang kanyang adbokasiya na “Serbisyong Bukas Palad.”

Matagal nang lingkod-bayan si Tolentino, nagsimula bilang mayor ng Dipaculao bago nagsilbing board member, acting vice governor, at acting governor, hanggang sa mahalal na gobernador sa 2025 midterm elections. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here