Home NATIONWIDE Australia nagbigay ng P34M drones sa PCG

Australia nagbigay ng P34M drones sa PCG

MANILA, Philippines- Nag-donate ng P34 milyong halaga ng drones at operator training ang gobyerno ng Australia sa Philippine Coast Guard (PCG).

Sinabi ng PCG na 20 aerial drones ang ipinaabot sa ahensya ni Australian Ambassador to te Philippines HK Yu sa isang seremonya in Bataan.

Sinabi ni PCG commandant Admiral Ronnie Gil Gavan na palalakasin ng aerial drones ang strategic maritime domain awareness capabilities ng ahensya.

Ayon sa PCG, ang donasyon ay bahagi ng civil maritime cooperation ng Australia na nag-aalok din ng vessel remediation, postgraduate scholarships, operational training, marine protection at annual Law of the Sea courses.

Sinabi ng PCG na pinalakas ng Australia at Pilipinas ang kanilang civil maritime cooperation sa pamamagitan ng 2024 Memorandum of Understanding (MoU) on Enhanced Maritime Cooperation. Jocelyn Tabangcura-Domenden