Manila, Philippines- Pumirma na si Enrique Gil ng kontrata sa MQuest Productions at MVP Group para sa kolaborasyon sa nasabing giant media company na pagmamay-ari ng media mogul na si Manny Pangilinan.
Representing his Slingshot Productions, sinamahan ang aktor ng kanyang manager na si Ranvel Rufino.
Sa pag-welcome kay Enrique, sinabi ng isang exec ng MQuest na kasama raw sa plano ang pelikulang sisimulan na ng aktor sa sister company ng TV5.
Samu’t-sari naman ang naging espekulasyon sa pagbabalik na ito ni Enrique sa limelight after his comeback as MMFF horror movie na “Strange Frequencies” last year.
Maraming natuwa na magpapaka-aktibo na naman ang aktor.
May mga lumutang pang tsika na ang pabuwena mano ni Enrique sa 2025 ay hindi movie with Liza Soberano kundi sa dating arch rival at kakontemporaryo ng ex nitong si Nadine Lustre.
Ito rin ang naispluk ni Ogie Diaz sa kanyang vlog kung saan nasabi niyang posibleng mangyari ito dahil bago pa man mabuwag ang JaDine ay friend na ni Quen si Nadine.
Iyon nga lang, maaaring di raw naman sila ibenta as loveteam.
Katunayan, puspusan na raw ang paghahanda ni Enrique sa possible team up nila ni Nadine.
Hirit pa ni Ogie, nagbawas na raw ng timbang at nagpapa-yummy na si Quen sa kanyang muling pagharap sa kamera.
Ito naman ang iba’t-ibang reaksyon ng kibitzers sa naturang development o naispluk na tsika.
“In fairness, bagay sina Nadine at Quen.”
“Why Nadine? Akala ko ba, they’re in the talks na ni Liza for a possible project together.”
“Di na niya ata feel si Liza. Awkward nga naman na may project sila kung may Jeffrey Oh na si Liza.”
“My LizQuen heart is bleeding. Sad na inisnab niya si Liza kung true ito.”
“Nakipagrigodon lang siya kay Nadine.”
“Kung ayaw na ni Liza ng love team at split na ang JaDine, what’s the problem?”
“Drawing pa lang iyon. Iyong pinirmahan ni Quen is for a movie with MQuest.”
“Ang bongga naman ni Enrique. Kung true ito, lilibutin niya lahat sina Nadine, Kathryn at Liza.”
“So, lalong lumabo ang reunion project nila ni Liza?” Archie Liao