MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Australian Embassy sa Makati City na magsasara ito para sa Pasko at Bagong Taon, at magsisimulang muli ang regular na operasyon sa Enero 2026.
Ayon sa advisory sa kanilang Facebook page, walang operasyon ang embahada mula Disyembre 25 hanggang Enero 2, 2026. Magbabalik ang regular na operasyon sa Enero 5, Lunes, mula 8:30 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.
Para sa agarang consular assistance, maaaring tumawag ang mga mamamayan sa 24-Hour Consular Emergency Centre sa Canberra sa +61 2 6261 3305. Dave Baluyot