Home NATIONWIDE Pope Leo, nanawagan ng pandaigdigang tigil-putukan sa Kapaskuhan

Pope Leo, nanawagan ng pandaigdigang tigil-putukan sa Kapaskuhan

270
0

MANILA, Philippines – Nanawagan si Pope Leo XIV ng pandaigdigang tigil-putukan sa Araw ng Pasko at nagpahayag ng labis na kalungkutan dahil sa umano’y pagtanggi ng Russia sa hirit na pagkakaisa.

“I am renewing my request to all people of good will to respect a day of peace — at least on the feast of the birth of our Saviour,” pahayag ng Santo Papa sa kanyang tirahan sa Castel Gandolfo malapit sa Rome.

“Among the things that cause me great sadness is the fact that Russia has apparently rejected a request for a truce,” dagdag niya, kaugnay ng patuloy na pagtanggi ng Russia sa mga panawagan ng ceasefire mula nang lusubin nito ang Ukraine noong Pebrero 2022.

Sa pagtukoy sa mga sigalot sa iba’t ibang panig ng mundo, sinabi ni Leo, “I hope they will listen and there will be 24 hours of peace in the whole world.”

Dumating ang panawagan ng Santo Papa habang nagpapatuloy ang labanan sa Ukraine na ikinasawi ng mga sibilyan at nagdulot ng malawakang pagkawala ng kuryente, at habang wala pang nakikitang malinaw na pag-usad sa usapang pangkapayapaan.

Nauna nang nakipagpulong si Pope Leo kay Ukrainian President Volodymyr Zelensky at sinabing “I hope so” nang tanungin kung tatanggapin niya ang imbitasyong bumisita sa Ukraine, bagamat iginiit niyang hindi pa masabi kung kailan ito mangyayari.

Binalaan din niya na “unrealistic” ang paghahangad ng kapayapaan sa Ukraine nang walang partisipasyon ng Europa at posibleng magdulot ng “huge change” sa transatlantic alliance ang mga mungkahing peace plan ng Estados Unidos. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here