Home NATIONWIDE Australian navy frigate dumaong sa Zambales para sa interoperability drills

Australian navy frigate dumaong sa Zambales para sa interoperability drills

168
0
Photo Courtesy of Philippine Navy

MANILA, Philippines — Dumaong sa Naval Operating Base Subic sa Zambales ang Anzac-class frigate ng Royal Australian Navy (RAN) na HMAS Toowoomba (FFH-156) para sa interoperability exercises, ayon sa Philippine Fleet (PF).

Sa pahayag nitong Sabado, sinabi ng PF na dumating ang barko noong Pebrero 13 at mananatili sa bansa hanggang Pebrero 16 bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng ugnayang “Navy-to-Navy.”

Pormal itong sinalubong sa Rivera Wharf, Subic Port at binigyan ng arrival honors ng delegasyon ng Philippine Navy na pinangunahan ni Commander Marlon Paca-Anas, director ng Fleet Special Services Office.

Nagbigay rin ng courtesy call ang delegasyon ng Australia, sa pangunguna ni HMAS Toowoomba commanding officer Commander Alicia Harrison, kay PF head Rear Admiral Joe Anthony Orbe.

Tinalakay sa pulong ang pagpapalawak ng maritime cooperation, pagpapahusay ng interoperability at mga susunod na joint activities ng dalawang hukbong-dagat.

Bahagi ng pagbisita ang subject matter expert exchanges sakay ng HMAS Toowoomba, kabilang ang specialized workshops sa Replenishment at Sea at seaworthiness upang mapalakas ang operational readiness.

Nakatakda rin itong magsilbing paghahanda para sa nalalapit na Exercise Kakadu bilang bahagi ng multilateral maritime cooperation sa rehiyon.

Ayon sa PF, patunay ang pagbisita sa matibay na pangako ng Philippine Navy at RAN sa pagpapalalim ng maritime collaboration at pagpapanatili ng seguridad at katatagan sa karagatan. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here