Home NATIONWIDE Unang round ng FTA negotiation ng PH, Canada sisimulan sa susunod na...

Unang round ng FTA negotiation ng PH, Canada sisimulan sa susunod na linggo

177
0

MANILA, Philippines — Sisimulan na sa susunod na linggo ang unang round ng negosasyon para sa bilateral free trade agreement (FTA) ng Pilipinas at Canada, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Sa text message, sinabi ni Foreign Affairs Spokesperson Angelica Escalona na ang Pilipinas ang magiging host ng formal negotiations mula Pebrero 18 hanggang 20.

Nagkasundo sina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Canadian Prime Minister Mark Carney noong Oktubre sa Kuala Lumpur na simulan ang FTA talks at target itong tapusin sa loob ng taon.

Ayon sa Canadian foreign affairs ministry, mataas ang suporta ng kanilang stakeholders sa posibleng FTA dahil sa inaasahang pagtaas ng kalakalan.

Nagpahayag din ng suporta ang ilang probinsya at teritoryo ng Canada, lalo na sa larangan ng services, energy at resources, at pag-akit ng foreign talent.

Kabilang sa mga sektor na sumusuporta ang mga exporters ng asukal, karne ng baka, butil at pulses, na nananawagan sa pagtanggal ng tariffs at non-tariff barriers.

Hindi rin tutol ang supply-managed sectors tulad ng dairy, poultry at itlog sa pagsisimula ng negosasyon.

Kabilang sa pangunahing export ng Canada sa Pilipinas ang mineral ores, karne, cereals, kahoy, makinarya, electronics, fertilizers at aircraft parts, habang electronics, makinarya, animal at vegetable oils, leather at rubber products, scientific instruments at processed vegetables naman ang pangunahing inaangkat nito mula sa Pilipinas.

Sa ika-7 Meeting ng Philippine-Canada Joint Commission on Bilateral Cooperation noong Pebrero 12, tinawag ng Pilipinas na milestone ang pagsisimula ng FTA talks.

“Ang Pilipinas ay itinuturing ang Canada bilang isang credible, reliable at principled partner sa pagsusulong ng kapayapaan at seguridad sa rehiyon,” ani Foreign Affairs Undersecretary Leo Herrera-Lim.

Kinilala naman ni Canadian Assistant Deputy Minister for Indo-Pacific Weldon Epp ang kahalagahan ng pagtutulungan upang maisulong ang mutual interests ng dalawang bansa.

Tinalakay rin ng delegasyon ang pagpapalawak ng economic at development cooperation, pati ang pakikipagtulungan sa energy security, critical minerals at cybersecurity. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here