Home NATIONWIDE Sinkhole nadiskubre sa NegOcc

Sinkhole nadiskubre sa NegOcc

157
0

MANILA, Philippines – Nadiskubre ang isang sinkhole sa Toboso, Negros Occidental, ayon kay Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer Hospicio Carbajosa Jr. nitong Biyernes, Pebrero 13.

Ang mga bitak sa lupa ay matatagpuan sa gilid ng bundok sa Sitio Bairan sa Barangay Gen. Luna, na nasa 500 metro mula sa East Negros Fault System (ENFS).

Ani Carbajosa, mas lumalalim na ang bukana ng naturang sinkhole.

Ang lalim nito ay tumaas sa siyam na talampakan mula sa anim na talampakan.

“The sinkhole has a radius of 30 meters and a diameter of 60 meters,” sinabi ni Carbajosa.

Matatagpuan ito malapit sa Calatrava-Toboso earthquake fault line, na bahagi ng ENFS.

Sinabi pa ni Carbajosa na ito ay isang sinkhole dahil karaniwan ang limestone sa lugar at kapag tuloy-tuloy ang pag-ulan ay natutunaw ang limestone dahilan para lumubog ang lupa. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here