MANILA, Philippines- Pagdurugo sa utak na posibleng resulta ng kawalan ng pakiramdam ang sanhi umano ng pagkamatay ng isang 10 taong gulang na lalaki sa kanyang pagpapatuli sa Tondo, Maynila noong Mayo, ayon sa ulat ng autopsy ng pulisya.
Paliwanag ni Manila Police District (MPD) Homicide Division chief PCapt. Dennis Turla, nakitaan ng pagdurugo sa isang parte ng utak ang bata na posibleng may kaugnayan sa pagturok sa kanya ng anesthesia.
Kinasuhan na ng MPD Homicide Division ang suspek para sa reckless imprudence resulting in homicide.
Ang suspek ang may-ari ng lying-in clinic kung saan isinagawa ang operasyon at nagpakilalang doktor.
Ngunit natuklasan ng mga operatiba na siya ay lisensyadong midwife ngunit hindi physician o doktor.
Inaresto ang suspek ngunit pinalaya kalaunan matapos maglagak ng piyansa.
Hiling naman ng ina ng bata na si Marjorie San Agustin na makulong ang suspek dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin matanggap ang nangyari sa kanyang anak. Jocelyn Tabangcura-Domenden