Home NATIONWIDE Bantag nasa Pinas pa – DOJ

Bantag nasa Pinas pa – DOJ

MANILA, Philippines- Nasa Pilipinas pa rin si dating Bureau of Corrections Chief Gerald Bantag at hindi pa ito nakakalabas ng bansa.

Iginiit ni Justice Assistant Secretary at Spokesperson Mico Clavano na ginagawa ng Department of Justice ang lahat upang matunton ang pinagtataguan ni Bantag.

Aminado si Clavano na may mga nakukuha silang intelligence report na hindi nagtutugma. Gayunman, may ibang lead aniya sila na pinupursige sa ngayon.

Patuloy aniya na nakikipag-ugnyan ang DOJ sa Philippine National Police at hawak na ng PNP ang mga nakuha nitong impormasyon.

Si Bantag ang itinuturong mastermind sa pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid. Teresa Tavares